SSS Death Claim - Pano ko nakuha? (Taglish)

How did I avail SSS Death Claim of my Nanay?

First things first, it's a case to case basis as I may say.

We have a bit complicated story line-up kaya, I guess 'di ito yung standard way..

This is based on my experience.

Also mejo matagal na to nangyari, way back 2012 pa sumalangit si Nanay Ampie.

Ngayon ko lang naisipan ipost through a blog, dahil meron akong kino-commentan na vlog, then, ang haba na ng sinasabi ko..., di ko na tinuloy. So I think mas ma-eexplain and maeexpress ko if sa blog nalang.


Share ko lang po nung nag-claim ako ng death benefit ng mother ko, nahirapan ako sa pagclaim inabot ng 2 yrs at gumastos din mejo malaki.

Reasons:

1. Nag-iisa akong anak pero.... legal age na.

2. Ang hinahanap ng SSS is husband ng nanay ko which is tatay ko. (Plot twist: Married sila, pero.... hiwalay/sumakabilang bahay ang tatay ko at nowhere to be found, di ko rin nakilala. Baka kayo kilala nyo?? hehe.)

3. Hinanap next is parents ng mother ko. (Which is di ko nga inabutang buhay. )


Bago ako iconsider na beneficiary, sila daw muna dahil di naman ako minor..


So in short, humarap ako sa sss thinking na beneficiary dahil nag-iisa akong anak,

Pero NO. Hindi daw ako ang macoconsider na beneficiary base sa rules nila.


If I'm minor, Yes, I am the beneficiary DAW.

(Pero now naisip ko, may plot twist ulet yan eh, If minor ako kunware, then, sasabihin na naman nila na kailangan may legal guardian or yung tatay ko or aantayin yung minor maging legal bago nila i-release. Diba? Pahirapan talaga sa pag-claim, pero pag maghuhulog ka naman ay tanggap lang sila ng tanggap)


So to summarize, eto ang line up ng sinasabi nilang legal beneficiary:

(Kung wala yung first mention, yung next and so on...) 

1. Legal Husband / Wife of the SSS member - eto pinakapabor sa mag-asawa, e pano yung mga broken family and hiwalay?? 

2. Parents of the SSS member

3. Anak and Legally Adopted Children


(I'm not sure with this:)

Illigitimate Child /  Anak sa pagkadalaga or pagka-binata

Kapatid 


Q: What if di naman nag-asawa yung member at di nagkaanak?

A: 1. Parents

    2. Kapatid


Requirements:

So eto ang mga binuno kong mga documents + mga inayos na issues:


1. Death Certificate:

    a. Death Cert ng nanay ko. Syempre sya yung member na namatay.

    b. Death Cert ng lolo at

    c. Death Cert lola ko


Bakit Death Certificate ng lolo at lola ko? Dahil wala na sila. Kung buhay sila, malamang birth cert or marriage cert naman nila ang hanapin sakin..


And Yes tig iisa sila, NSO(pa that time) at maka-ilang hula-hula ng date ng death cert ng mga lolo't lola ko.

Bakit hula? Kasi hindi na matandaan ng mga tito's and tita's ko ang exact date.


Kada mali, is just a certificate saying no record found for the name.. Goodbye Php 150.

E mano mano ang pag fillout ng form.

Also kung may mali din sa spelling and spacing, di na sila magma-match sa date. As in..


Kaya yes naka-ilang ulit ako kasi depende kung meron din mabigay na detalye sakin ang kamag-anak ko that time. Hanggang sa wakas merong nakapag bigay ng tamang date. Dahil may natandaan silang kasabay na okasyon daw yun or something.


What if walang nakabigay sakin ng info na yun?? Well waley, di na ko makaka-proceed sa next step.

Or kung meron ako nung ibang requirements ay di parin tatanggapin dahil hinahanap pa eto.




2. Birth Certificate + Baptismal Certificate

NSO noon, PSA na ngayon


a. Birth Certificate ko.

Eto ay madali naman kasi that time ay working na ko, at alam ko na ang details ko. Full name at Birthday details lang naman ang need. Dahil nga ako ang nagpa-process at nagcclaim as beneficiary, proof na kaano-ano ko ba ang member.

(Yung akala ko wala aberya sa birth certificate ko... pero see on the last part nalang para di paulet ulet,)



b. Birth ni Nanay / Member claimant

Birth Cert ng mother ko which is wala pala!

Nalaman ko lang na wala dahil sa pagkuha ko sa NSO ay no record found ang lumabas. Bye Php 150.

Later on ng pumunta kami ng Ilo-ilo nilate register ko pa. Yes, from Malabon City, pumunta kami sa iloilo province to halukay documents para makita sa municipyo ang birth registration kung meron, kaso wala nga.


Magkano nagastos namin sa byahe palang balikan?.. ayoko na alalahanin, basta alam ko tipid na bakasyon. Syempre sinabayan na ng bakasyon (3 lang naman kmi sa pamilya, husband at isang anak ko.)

At 4 yo pa ko ng huling pumunta ng Ilo-ilo.


c. Baptismal Certificate

Baptismal cert din to support late birth registration. Dahil nga walang birth certificate, need pa ipa-late register, pero isang hinihingi din nilang requirement ay Baptismal at yung affidavit as supporting documents. Na need ko gawin yun as part of SSS requiements. Buti nakita sa kaluma-lumaang books nila intact pa ang baptismal record. Nakatulong din na andun ang pinsan ko at may kakilala na taga-opisina ng parokya. Pero kung ako lang yun, nako, nganga.



3. Marriage Contract / Certificate 

NSO noon, PSA na ngayon


a. Marriage Certificate ng nanay at tatay ko

    Naka-ilang try din kasi may error pala sa spelling/spacing ng name ng tatay ko (galing mang-iwan, galing din magtago), Php 150+ kada kuha ng NSO tapos sasabihin lang no records found kasi may mali pala sa spelling/spacing ng apelyido ng tatay ko.

(correct is REABAD, pero ang nasa record nila ay RE ABAD)

Expenses: starts @ P150 / request


So ibig sabihin, kung gusto nyo magpakasal and after that ay iiwan nyo din naman, maliin nyo lang spelling, malaya na kayo mag-asawa ulet ng next kasi pag kinuhanan ng CENOMAR eh malinis ang record nyo.

It worked sa biological father ko, married sila ng nanay ko pero meron na syang bagong pamilya which I confirmed 99% after ko na maresolved etong SSS ni nanay. 


Di ko nman talaga sya mahanap noon. And sabi din ng mga tita ko if mahanap ko sya, ano mangyayari? 

  • It's either magpakita sya bigla, makicooperate nga sya, pero sa kanya lang pala mapupunta kasi sya pala ang prioritized beneficiary. 
  • Or magpakita nga sya pero di sya makikcooperate kaya di rin uusad yung process.


b. Marriage Certificate namin ng husband ko

    Marriage Cert ko dahil nag-asawa na ako, naiba na ulet last name ko.




4. Notarized Affidavit / Power of Attorney

    

Sa Notarized Affidavit naka itemized lahat mga need ipa-notify, ipa-bago na mga issue etc. Isang document lang pero marami ang laman.

    

    Mga 7 items yata yung mga nakapaloob kung tama pag-kakaalala ko. Which is allowable naman, so nakasulat dun parang

Ex: A, about sa nawawalang asawa / No where to be found.

        B. Maling spelling, ano yung mali, ano yung tama etc.


    Also with attached documents, photocopy ng mga ID ng mga kapatid, pirma ng mga kapatid, Yung mga certificates etc. Also para iisang bayad lang din sa attorney.


    Pero kada meet up sa attorney at pagpapabago or add ng details ay new bayad din. kaya kung magagawa lang ng 1 meet up is ok. kaso nga pagdating kay SSS may hahanapin sila na possible maka-apekto din. So yun. tyagaan...



    Sa Birth Cert ko na akala ko walang problema, need din pala ng affidavit to support na magnanay kami dahil, may error din sa middle name ng mother ko na nasa BC ko,  at spelling din, na hindi match sa mga kapatid nya at di rin match sa birth cert ko kaya parang di kami magnanay.


*Noong panahon daw kasi ay di sila lahat na-register magkaka-patid pagkapanganak, kaya nag-iba-iba sila ng spelling nung na-register, may mga typo.. hyys. tapos wala lang, hinayaan nalang hanggang sa yun na ang mga ginamit nila sa mga documents din nila.


Ang middle name ko ay apelyido ng nanay ko Tugublimas.

Naapelyidohan naman ako ng tatay ko dahil kasal sila.

Ang middle name ng nanay ko ay TABNOA (pagkadalaga)

Ang middle name ng nanay ko nung nag-asawa nay sya ay TUGUBLIMAS

Ang middle name nya na nilagay nya Birth Cert ko ay TORILLA (apelyido daw pala ng lola nya / Middle name ng nanay nya, parehas daw kasing T, nalito sya nun)

xxx Amparo Torilla Tugublimas

/     Amparo Tabnao Tugublimas (maiden)

/     Amparo Tugublimas Reabad (married)



Ang middle name ng isang kapatid nya ay TABNAO

Ang middle name ng isa pang kapatid nya ay TABU-AO


O edi naguluhan ka na rin?

San kapa.


Dapat ganto:

Maiden Name                           Married Name                                                  
_______ _. ______   >           ______ _. Torilla                (my lola sa ??? )
_______ _. Torilla   >              ______ T. Tabnao              (my lola sa tuhod)
Milagros T. Tabnao  >             Milagros T. Tugublimas     (my lola)                
Amparo T. Tugublimas >         Amparo T. Reabad             (my nanay)          
Regina T. Reabad         >       Regina R. Pinlac                 (me)


Nagkahiwahiwalay din sila magkakapatid dahil maaga namatay ang parents, kung san sang kamag-anak sila hinati.

Yung iba bago sila mag-apply ng work saka lang nila nagpa-gawa ng birth cert, so nanay ko pala napag iwanan totally walang birthcert. pero naka-pag abroad.


Yun pla additional issue.. Yung mga documents/ID nya sa work, SSS, medicals puro pagkadalaga ang gamit nya tho kasal sila ng tatay ko.

Noon daw kasi ay agency na ang umayos ng documents nya as OFW, may existing syang passport na dalaga kaya yun na ang tuloy tuloy na ginamit.

Kaya di magtugma apelyido namin.


Yung sa funeral ay madali lang na-avail Php 12k

Di nalalayo sa pagka libing ni nanay ay na-avail na agad to dahil ang requiement lang naman ay Death Certificate from Hospital at Funeral Cert kung di ako nagkakamali ng pagkakaalala.


Death claim lang tlga napakahirap pagtagpi-tagpiin mga documents kasi biglang may other na nman na hahanapin after one another, ayaw nila enumerate lahat lahat base sa assessment, kelangan pabalik balik at iba iba makakaharap mo irereview na nman yung case etc.


At the end, nakuha din po namin as lumpsum. But wait, there's more!

May loan daw po pala ang mother ko na di nabayaran. nalaman narin namin to bago pa sya mawala, kasi nag-aasikaso narin kami noon ng papers/ requirements. (Dialysis patient po sya) Magttry kasi sana noon magloan, then nalaman na meron pala syang di nabayaran na loan. So di na kami nakapag-loan kasi need yun muna bayaran. 


Ang thinking or reasoning ni nanay noon, di nya daw  alam na babayaran yun ng separate, ang akala nya yung hinuhulog nya monthly and continously, doon dinedcuct yung sa loan. Kasi wla din nman daw naging instruction sa kanya. Hulog lang sya ng hulog. Si SSS naman tanggap lang ng tanggap.


Natapyas ng lagpas half ang nakuha kong cash benefit. From 80k. nasa 40k nalang ang nakuha namin.

Yun naalala ko.
Pag sinipag ako hanapin ko ang documents for reference and update





Comments

Popular Posts